Moments turned to memories

Summary of events from March 13 up to 26

May play kami. Tapos hinati yung section namin into two groups tapos hindi ko ka group si crush. Pero naniniwala naman ako na “Everything Happens for a reason” at alam niyo na IT’S TOTALLY TRUE. March 13 – play nung crush ko and wala siyang role dun, props man lang. And computer stuff basta yun. Mag s-start na play nila tapos tatabi ako sa friend ko tapos yung chair na uupuan ko may pillow, tinanong ko kung kanino yun tapos sabi nila baka sa classmate namin tapos friend ko naman yun kaya hindi nako nagpaalam. Sooooo, yun na pillow hinug ko yun magsimula sa magstart yung play hanggang sa manuod kami ng play ng iba. After namin manuod,bumalik na kami sa room namin. Binalik ko na yung pillow sa friend ko, sabi ko thank you pala sa pillow. Alam mo sinabi niya? Hindi daw yun sakanya, sa crush ko. I was like *o* OMG. Alam pa nung friend ko na crush ko yun pero hindi siya nagreact kasi busy. Hindi ko rin masabi sa bff ko kasi nga we were on a fight. Hindi ko binalik yung pillow. Nilagay ko lang sa chair nung friend ko. After a while, nakita ko si crush na kinuha yung pillow niya. And inisip ko na “Sana ihug niya yun” or whatsoever. 

March 20

Since school’s almost over, wala na kaming ginagawa. Pero pumapasok ako just to see my crush :)) Absent yung bff ko (bati na kami) kaya kasama ko yung mga friends ko. Naisip namin ng isa kong friend na wag na kami pumasok sa hapon pero maglunch parin kami sa mall. Pumayag naman ako.  OK fast forward… Mag j-jeep kami tapos magj-jeep din yung crush ko kasama yung friends niya na friends ko rin. Akala namin puno na yung jeep na sinasakyan nila kaya naghintay kami and wala pa talagang dumadaan tapos biglang tinawag kami nung friend kong friend din ni crush and ayun, sumakay yung kasama ko sun and akala ko wala na akong mauupuan tapos bigla naman nilang pinausog si crush and I have no choice kaya umupo ako katabi niya.

Arrangement sa jeep:

Legend:

Me – m

Crush – c

Friends – f

I don’t know people – n

n \ n \ n \ n \ n \ n \ c \ m \ n

n \ n \ n \ f \ f \ f \ f \ f \ f \ n

Spell AWKWARD. Alam mo yung ang hirap itago sa kanila na kinikilig ako. Sabi pa nga nila ang cute daw namin. 😀

March 22 (Day na na-enjoy ko ang last week namin as sophomores)

We (me, classmates and crush) watched Cinderella, it’s a korean horror movie in/at my laptop. and wala lang napansin ko lang na parang tinitingnan o tiningnan niya ako kasi sa likod siya tapos bigla siyang lumipat sa unahan katabi yung laptop and apparently nasa harap ko siya :D. Nung nasa likod pala siya biglang may na pat sa ulo ko and akala ko yung friend ko lang tapos biglang sinabi nung friend ko na si crush daw pinat yung ulo ko *o* pero hindi ako naniwala. Kasi parang ang impossible.

Nung hapon naman nag speedstacks, harlem shake and etc. kami. Last day na kasi nung isa namin na classmate. Magt-transfer na kasi siya. 

March 26

Nagtwitter ako and I just discovered na may twitter na si crush! Annnddddd feeling ko na alam niya ang favorite number ko is 13 and ang username niya @mycrush’sname13

name niya plus may thirteen sa dulo. Alam ko naman na hindi niya yun favorite number and hindi niya naman yun age kaya ang naisip ko na dahilan kung bakit may 13 is because of me 🙂 feeler much? weeeeeeell.

Mami-miss ko yung mga moments na yan.Haaaaaaaaaay. Kahitang sisimple lang. Mamimiss ko rin yung times na kasama ko yung isa kong best friend na magt-transfer na din 😦 Hayy

-treacherouskid

Advertisements

Guilt all over

Dear Blog,

Nag-away kami ng best friend ko. May sine-sell kasi friend ko na wallet tapos pinapabili niya sakin. Tinanong ko siya kung meron pang iba sabi niya meron pa, pero sine-sell din ng kapatid niya. Sabi ko sakanya kapag hindi yun nabili bibilhin ko, pero pag nabili, bibilhin ko yung pinapabili niya sakin ngayon. Sinabi ko ng “reserve” na yun sakin. Sure naman akong narinig yun ng best friend ko kasi katabi ko siya. And BOOM! Bigla niyang binili kahit alam niyang reserve na yun sakin tapos yung friend ko naman pinabili. Ang bait diba? Grabeeeeee! Is that what friends are for? After nun, hindi ko na pinansin yung best friend ko. Hanggang ngayon. Nagui-guilty nga ako minsan. Nakita ko kasi siya mag-isa na umuuwi. Naawa naman ako. Ako lang kasi palagi niya kasama pag umuuwi. Nagui-guilty siguro ako kasi ako may kasama tapos siya wala. Sa classroom nga mostly, mag-isa siya. HAY!

Makikipag bati ba ako o hindi? Siya naman may kasalanan. -.-

 

– treacherouskid

Ice-ice Water

Dear Blog,

Tuesday, nag-lab activity kami sa Bio, tapos wala naman nangyaring maganda. Nung math naman naglesson si madam tapos nag seatwork kami. Ang nangyari lang, nung mage-exchange ng papers ang nagcheck si crush *kilig kilig*. Ang pagexchange kasi nung papers by column. Nasa kabilang column siya tapos ako sa kabila rin. Nag dalawang isip nga ako kung iche-check ko yung paper niya pero hindi ko nalang chineck tapos hindi ko inaasahan na iche-check niya paper ko.

Nung mapeh, nag PE kami. Naglaro kami ng best friends ko ng ice-ice water. Ako taya, hindi ko sila mahabol tapos nag stay lang ako dun sa may corner tapos nung nakita kami ng isa ko pang classmate na friend ni crush, sumali siya tapos sumali rin si crush tapos siya yung taya. Inexpect ko na hindi niya ako hahabulin kasi hindi naman niya ako hinahabol nung naglalaro kami dati nun. Nung na-ice niya yung dalawa na kasali, tumakbo ako papunta sa kanila tapos nandun si crush. Feeling ko hindi niya ako hahabulin kasi nga diba, hindi niya naman ako hinahabol. Nung na water ko na yung isa bigla niya akong hinabol tapos nag “ayieeee” naman yung mga epal dun tapos hindi niya ako nahabol. Hindi niya ulit kami mahabol kahit ang bilis niya. Nag try ulit akong i water yung isa na na-ice niya tapos na water ko nga. Hinabol niya ulit ako tapos “ayie” ulit tapos hindi niya ulit ako nahabol. After nun, umayaw na sila. Sumuko na siguro.

 

LALALALALA~ ♥

 

“The best things happen unexpectedly.”

 

-treacherouskid

True Feelings

Dear Blog,

Nakakainis. Hindi ko alam kung crush niya rin ako o hindi pero my guts tell me that he likes me too. Alam mo yung feeling na bigla ka nalang tumingin sa isang direction tapos hindi mo inaasahan na yung crush mo pala yung titingnan mo tapos yung crush mo nakatingin din sa direction mo? Feeling ko tuloy kaya ako napatingin sa direction niya kasi may nakatingin sakin. Pero ayaw ko naman mag assume kasi naman mab-broken hearted lang ako kasi feeling ko hindi naman niya ako gusto. Minsan iniisip ko crush niya rin ako. Sabi nung friend ko nahihiya daw sakin si crush tapos sign daw yun na crush ka ng isang tao pero ayaw ko maniwala. Kung gusto niya ako dapat magtapat siya sakin kasi alam niya naman na gusto ko siya. Iniisip ko nga minsan na baka torpe siya. Hay, buhay parang life.

Sinasabi ko nga sa isip at puso ko na humanap na lang ng iba kasi wala naman akong mapapala sakanya.

Minsan napapaisip ako kung hindi niya nalaman na crush ko siya. I remember how we used to talk everyday, how we used to fight and tease each other; now we don’t even speak.

 

-treacherouskid

 

Sad, beautiful, tragic birthday

Dear blog,

Today’s my birthday. Yung mga friends ko gri-neet ako. Syempre. Lalo na kung libre lang ang habol sayo. Katulad na lang sa isa kong friend na palibre na lang ng palibre. Minsan nga naisip ko kung “true” friend ba talaga siya. Hindi naman talga nawawalan ng ganon diba? Kanina, nung inaagaw ko sa friend ko yung breadstick na binigay sakin nang isa ko pang friend tapos inaagaw ko yun sakanya sa may door kami tapos biglang bumukas yung door tapos pumasok ang importanteng tao para sakin tapos sinabi pa talaga nung friend ko na birthday ko daw i-greet niya daw ako tapos hindi naman niya ako grineet.Hindi ko nga nakita reaction niya.

Nung Bio namin tapos magche-check kami ng answers tapos katabi ko “siya”.Naalala ko yung dare namin nung best friend ko na makipag exchange ako sakanya ng paper kapag magche-check para maging “dauntless” daw ako (Divergent stuff, by Veronica Roth). So, ginawa ko nga tapos nakakahiya nga kasi 3 mistakes ako tapos siya perfect. Nakakahiya talaga. OK. Masyado akong OA.

Ako na ang assuming. Assume kasi ako ng assume na ig-greet niya ako pero wala. W-A-L-A. Kahit siguro nung kumakanta ng Happy Birthday sakin, hindi siya kumanta. Ang assuming ko talaga. Wala rin siguro siya crush sakin. Ang assuming, ang feeler ko kasi! Ako lang naman masasaktan. But I can’t help it. 

Kapag may ginagawa ako, hindi ko maiwasan na hindi tumingin sakanya. To make sure na tumitingin siya sakin (or salikod ko). Minsan nakikita ko siya tumitingin sakin (or salikod ko). Kay naga-assume tuloy ako. Plus, feeling ko crush ko si “spiderman”. Si spiderman ng section namin. Pag kinakausap ko kasi siya, may feeling na hindi ko alam na parang iba. Inisip ko rin na okay yun para makalimutan ko na yung “present” crush ko. Codename sa crush ko: Five and kay spiderman: rew. 

Naging masaya naman itong birthday ko because of my friends. Naging sad lang kasi kahit sa facebook hindi ako grineet ni Five. Everytime, chinecheck ko yung online friends ko para matingnan kung online siya tapos online siya. Pero hindi niya parin ako grini-greet. Kaya lang naman ako nagstart mag blog kasi nahihiya akong sabihin sa best friend ko. Okay, so that’s all for today.

 

Note to myself:

If he likes me, he’ll show it

-treacherouskid